WebClick Tracer

Tambay sa tindahan, binistay

Tinutugis ng Cavite police ang isang lalaki na bumaril at nakapatay sa isa ding lalaking nakatayo sa isang tindahan sa Bacoor City, Cavite Biyernes ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang insidente habang dead on the spot naman ang biktima na si alyas Ryan.

Batay sa nakalap na ulat ng pulisya, nakatayo ang biktima sa harapan ng isang tindahan nang bigla na lamang siyang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing barilin sa ulo na nagresulta sa agarang pagkamatay ng biktima.

Matapos ang pamamaril, mabilis nang tumakas ang salarin dala ang di nabatid na kalibre ng baril na ginamit sa pamamaslang.

Patuloy naman ang isinasagawang backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa pagkakakilanaln sa suspek habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa motibo sa pamamaril. (Gene Adsuara)

TELETABLOID

Follow Abante News on