WebClick Tracer

Illegal recruiter na eba kinalawit

KALABOSO ang umano’y illegal recruiter na babae na binansagang Number 1 most wanted person sa Bugallon Proper, Ramon, Isabela noong Huwebes.

Sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng 2nd judicial Region Branch 36, ng Santiago City, Isabela, ang suspek ay nakilala lamang sa pangalang “Lyn”, 61, ng Barangay Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan.

Ayon sa report ng Isabela Police Provincial office (IPPO), sa pamamagitan ng warrant of arrest, ang suspek ay inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Ramon Police Station (RPS) at Provincial Intelligence Unit.

Nanawagan naman ang pulisya sa iba pang mga biktima ng nasabing illegal recruiter na magtungo sila sa kanilang himpilan upang magsampa ng reklamo laban kay Lyn.

Ang suspek ngayon ay nakakulong sa RPS detention cell at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. (Allan Bergonia)

TELETABLOID

Follow Abante News on