WebClick Tracer

2 tomador tinadtad ng bala

Palaisipan sa mga awtoridad ang pagkamatay ng dalawang katao na natagpuan sa isang madamong bahagi ng isang sakahan sa Amadeo, Cavite, Biyernes ng umaga.

Hinihinalang may ilang oras nang patay na nakahandusay ang biktimang sina alyas ‘Brix’ at alyas ‘Terry’ habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa saksi, bago naganap ang insidente ay nag-iinuman ang mga biktima sa labas ng bahay ni Brix sa Farm Lot, Purok 5, Brgy Tamacan, Amadeo, Cavite bandang alas-5:00 kamakalawa ng umaga nang makarinig ng sunod-sunod na putok at nakita na lamang ang mga biktima na duguan at wala ng buhay.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek sa hindi nabatid na lugar bitbit ang baril na ginamit.

Hindi naman binanggit sa ulat kung kainuman ng mga biktima ang suspek at kung nagkaroon ng mainitang pagtatalo bago naganap ang insidente.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso. (Gene Adsuara)

TELETABLOID

Follow Abante News on