WebClick Tracer

Bebot tigbak sa saksak ng dyowa

PATAY ang isang 55-anyos na babae matapos itong pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa Davao City noong Linggo nang gabi.

Sa ulat, da­lawang saksak sa dibdib ang ikinamatay ng biktimang si Emilia Abo-Abo, residente sa Barangay Tacunan, Tugbok District sa nasa­bing siyudad.

Ayon sa report ng Tugbok Police Station, magkasama pang nakikipag-inuman ang biktima at ang suspek na isang construction worker, kasama ang mga kaibigan nito sa construction site.

Nang makauwi sa bahay, nakarinig ang mga kapitbahay ng sigaw mula sa biktima at humihi­ngi ng tulong.

Nang saklolohan ng mga kapitbahay, nakita ng mga ito ang suspek na hinihila umano ang bangkay ng biktima sa ikalawang palapag ng bahay.

Agad tumakas ang suspek nang dumating ang mga kapitbahay ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen habang patuloy na tinutugis ang suspek. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on