WebClick Tracer

Willie Revillame sa Novaliches studio ng TV5 magsu-show

Naku, ang dami na talaga ang excited sa pagbabalik-TV ni Willie Revillame!

Napakaraming nangungulit na tungkol sa TV5 show ni Willie.

So nagtanong-tanong naman kami at sabi nga ay baka sa July na umere iyon.

At saan naman ang studio ng TV show ni Willie?

“Sa Novaliches. Sa isa sa mga studio ng TV5,” tsika ng isang insider na tinanong namin.

Hindi nga lang sigurado ang sigurado ang taong tinanong namin kung sinisimulan na ba ang renovation ng studio na gagamitin ni Willie, ha!

Basta sure lang ang source na sa Novaliches nga ang studio na gagamitin ng TV host-producer.

Anyway, ang dinig ng source namin, ang bongga ng prizes na ipamimigay ni Willie at ng TV5.

Mas bongga raw ang mga iyon sa mga napamigay na ni Willie sa mga naging TV show niya, ha!

Talagang mapapa-wow ka raw talaga.

So bongga ni Willie. Wow na wow talaga ang dating ng pagbabalik niya sa TV5, ‘noh?!

‘Yun na!

TELETABLOID

Follow Abante News on