WebClick Tracer

Miles Ocampo pag-aagawan nina Jameson, Joao

Ang bongga rin ni Miles Ocampo! Aba, obvious na favorite si Miles ng TV5. Magiging dalawa na kasi ang shows niya sa Kapatid network.

Siyempre, isa si Miles sa mga namamayagpag sa ‘Eat Bulaga’ noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon at parte nga siya ng Dabarkads.

Ang maganda pa, binigyan siya ng sitcom ng TV5.

Si Miles nga ang magbibida sa ‘Padyak Princess’ sitcom ng Kapatid network at sa Tuesday ay may pa-presscon na para sa kanya, ha!

At marami nga ang naiinggit kay Miles dahil ang haba-haba raw ng buhok niya dahil dalawang lalaki ang mag-aagawan sa kanya sa ‘Padyak Princess’, ‘noh?!

Ang mga hunk na sina Jameson Blake at Joao Constancia nga ang leading men ni Miles sa pagbibidahang sitcom.

Bongga at ipinahiram talaga ng ABS-CBN Studios sina Jameson, Joao para makapareha ni Miles, ha!

Teka! Hindi kaya kabahan na si Elijah Canlas dahil mga hunk ang kapareha ni Miles?

Kahit hindi naman umaamin sina Miles, Elijah, aba, obvious naman ang balikan nila.

Ang tungkol nga sa reconciliation nina Miles, Elijah ang topic ngayon ng mga online Marites, Era, ‘noh?!

‘Yun na! (Jun Lalin)

TELETABLOID

Follow Abante News on