WebClick Tracer

Francine Diaz todo suporta sa Senior High graduation ni Seth Fedelin

Very supportive si Francine Diaz sa graduation ni Seth Fedelin!

Ngayong Huwebes nga ginanap ang Senior High School graduation ceremony ng binata.

Noong nasa nasa loob ng Bahay ni Kuya pa nga lang bilang housemate ng ‘Pinoy Big Brother Otso’ ay nasasabi na ni Seth na una niyang pangarap ang makatapos ng pag-aaral.

Ngayon Huwebes nga ay tinupad niya ang pangarap niya na kahit busy sa pagiging artista ay nagawa niyang tapusin ang Senior High School.

Maski sa kanyang social media post tungkol sa kanyang graduation ay muli niya itong nabanggit.

“Hindi ko nakalimutan ang una kong pangarap,” sey niya sa caption.

Sa nasabing social media post ay shinare niya ang mga photo sa naganap na graduation kasama ang kanyang ina, mga guro, at mga ka-eskwela habang nakasuot ng toga.

Binati naman siya ni Francine sa Instagram Story post nito.

“Congrats, Sethyboy,” caption ng dalaga sa kanyang greeting.

Kahit nga hindi sila mag-dyowa ay very supportive si Francine sa pangarap ng kanyang ka-love team.

Tuwang-tuwa nga siyempre ang mga FranSeth fan dahil supportive sa isa’t isa ang kanilang mga idol.

Happy din sila dahil personal silang minessage ni Seth para sabihing isa sila sa naging inspiration nito.

“Pasabi sa lahat Mi, inspirasyon ko kayong lahat,” message ni Seth sa isa sa kanyang fan.

Bonggels nga ni Seth dahil magandang role model siya sa kanyang mga fan na kahit kumikita na sa pagiging artista ay priority pa rin na makatapos sa pag-aaral.

Congratulations, Seth!

TELETABLOID

Follow Abante News on