WebClick Tracer

Pusher timbuwang sa ratratan

Tepok ang isang drug personality matapos mauwi sa engkwentro ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa San Juan, Batangas nitong Martes ng gabi.

Ayon sa report, ikinasa ng mga tauhan ng San Juan municipal police station ang buy-bust laban sa drug suspect na si alyas Balut alas-7:00 ng gabi sa Brgy. Lipahan.

Subalit nakatunog ang suspek na mga pulis ang ka-deal kaya nauwi ang operasyon sa armed encounter.

Tinamaan sa kanang hita ang suspek sa palitan ng putok at isinugod sa San Juan District Hospital subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Narekober mula sa napaslang na suspek ang 5 gramo ng hinhinalang shabu na nagkakahalagang P34,000.00.

Nakuhaan din ang suspek ng kalibre 38 revolver na baril. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on