WebClick Tracer

Bagets, 3 pa bagsak sa drug bust

Apat katao na kinabibilangan ng isang menor-de-edad ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga miyembro ng Makati City Police Station kahapon ng mag-aalas nuwebe ng gabi sa Barangay Pio Del Pilar ng Makati City.

Kinilala ang dinakip na sina alyas Liit, 29-anyos; alyas Ado, 17; alyas Mata, 20-anyos at alyas Richmon, 49.

Nakumpiskahan ng iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na gamot ang mga suspect na nagkakahalagang P141,000.00 na isinuko ng Makati City Police sa SPD Forensic Unit.

Nasa kustodiya ngayon ng mga pulis ang apat na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Migo Fajatin)

TELETABLOID

Follow Abante News on