WebClick Tracer

Negosyante ninakawan ng cash, panabong di pinalagpas

Arestado ang isang lalaki matapos pasukin ang tindahan ng isang inhinyero gamit ang bareta at tinangay ang laman na cash at paninda sa Silang, Cavite Lunes ng hapon.

Nasa kustodiya na ng Silang Police ang suspek na si alyas Larry, 26, tubong Dumaguete, ng Purok 5, Brgy. Adlas, Silang, Cavite dahil sa reklamo ng biktima na si alyas Jomar, 30, isang engineer.

Sa ulat, pinasok ng suspek ang tindahan ng engineer sa Purok 3, Brgy Adlas, Silang, Cavite bandang alas-3:00 kamakalawa ng hapon gamit ang isang bareta at nang makapasok ay tinangay ang P3,000.00 na laman ng tindahan, iba’t-ibang brand ng rim ng sigarilyo at bago umalis ay pumatay pa ito ng mga sasabungin na manok.

Pero isa sa kapitbahay ng biktima ang nakakita sa ginagawa ng suspek kaya agad itong nagsumbong sa mga barangay officials na nagresulta sa pagkakaaresto ng salarin. (Gene Adsuara)

TELETABLOID

Follow Abante News on