WebClick Tracer

Bumati pa kay Lotlot… Paulo, Janine nagkasalisi sa burol ng manager

May mga nangungulit sa akin nag-iwasan daw ba sa burol ng manager nilang si Leo V. Dominguez sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez noong Linggo?

Para sa mga nakakaalam talaga, walang iwasang naganap sa pagitan nina Paulo at Janine, ha!

Naunang dumating sa burol si Janine kasama ang kapatid na si Diego Gutierrez at inang si Lotlot de Leon.

Sa pagkakaalam ng mga nasa burol, nagpaalam na si Janine, pati ang kapatid na si Diego, bago pa man dumating doon si Paulo.

Nang dumating naman si Paulo at pumasok sa chapel, magkatabi kami sa upuan ni Lotlot at nagkukuwentuhan tungkol sa wish ni Leo na makuha na ang trophy ni Janine for Best Actress mula sa SPEEd (Society of Philippines Entertainment Editors).

Sa katunayan ay pinapakita namin kay Lotlot ang message sa amin ni Leo tungkol sa Best Actress trophy ni Janine na ipe-present nga ng mga taga-SPEEd sa aktres.

Tinanong din namin si Lotlot kung nasaan na sina Janine at Diego na sinagot niya ng, “Umalis na. Nagpunta kay Mamita (Pilita Corrales).”

Madalas ngang dumadalaw ang mga anak nina Lotlot at Ramon Christopher Gutierrez kay Tita Pilita tuwing Linggo.

Anyway, habang magkausap nga kami ni Lotlot ay pumasok sa chapel si Paulo at umupo sa harapan namin ng nanay ni Janine. Bumati pa ang aktor kay Lotlot.

So malinaw, ha! Walang iwasang naganap dahil wala na nga si Janine sa wake ni Leo nang dumating si Paulo.

Nakaka-happy rin na mismong si Paulo ang lumapit sa kinalulugaran namin ni Lotlot para magbigay-galang.

‘Yun na! (Jun Lalin)

TELETABLOID

Follow Abante News on