WebClick Tracer

Patrick Bailey, Giants pinayuko Pirates

SA bisa ng tatlong RBI (run batted in) singles ay naigapang ng San Francisco Giants ang four-run 10th inning para ipagpag ang Pittsburgh Pirates 9-5 Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Maynila).

Galing kay Patrick Bailey ang unang RBI, ang single na lumapag sa kanang bahagi ng field para paiskorin si automatic runner Thairo Estrada, sinundan ng pitik ni Jorge Soler sa bandang gitna na nagpa-iskor din kay Matt Chapman. Sa sacrifice fly ni Brett Wisely ay nakarating sa plate si Bailey bago ang isa pang RBI single ni Luis Matos.

Naka-strike out ng isa si Ryan Walker sa perfect ninth para isara ang panalo ng San Francisco.

Sinimulan ng RBI single ni Soler sa fifth ang rally ng Giants, sinundan ng two-run home run ni Chapman mula kay Pirates rookie Jared Jones sa sixth at ang dating five-run deficit ay naibaba sa 5-3. (Vladi Eduarte)

TELETABLOID

Follow Abante News on