WebClick Tracer

Mindanao binaha

Binaha ang ilang bahagi ng Southern Mindanao dahil sa mga pag-ulan dala ng easterlies.

Kabilang sa apektado ng pagbaha ang mga barangay ng Matina Aplaya at Bangkal sa Davao City.

Binaha rin ang NHA Bangkal na malapit lang sa dike.

Dahil dito, may mga motoristang di nakadaan sa mga kalsada sa lugar dahil sa posibilidad na ma-stranded sa baha.

Ayon sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, nakaapekto ang easterlies sa lungsod na nagdulot ng mga pag-ulan.

Samantala nakaranas din ng pagbaha ang ilang lugar sa bayan ng Kabacan sa Cotabato Province.

Ayon sa lokal na pamahalaan, apektado ng baha ang anim na Purok sa Brgy. Magatos at Sitio Basak naman sa Brgy Kayaga. Binaha rin ang isang paaralan at covered court.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, tinatayang nasa 994 pamilya ang apektado.

Nagpapatuloy pa ang validation at inspection ng MDRRM at DSWD upang mabigyan ng ayuda ang mga apektadong residente. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on