WebClick Tracer

Ermat niratrat sa harap ng mga anak

PINAGBABARIL hanggang sa matodas ang isang ina sa loob ng tricycle habang nakaharap ang kanyang mga anak sa San Carlos City, Pangasinan noong Martes ng gabi.

Ayon sa San Carlos City Police Station (SCPS), ang biktima ay nakilalang si Aurelia de Vera, 46, ng Barangay Bolosan, ng nasabing siyudad.

Sa report ng SCPS, naganap ang pamamaril gabi ng Martes sa Barangay Caingal kung saan kasama ni

De Vera ang kanyang dalawang anak.

Sinabi ng SCPS investigation branch, papauwi na umano ang biktima kasama ang kanyang mga anak nang harangin sila ng riding-in-tandem.

Sa salaysay ng mga anak ni Aurelia, nagmakaawa sila sa mga suspek na nakatutok ang baril sa kanilang ina ngunit pinagbabaril pa rin ang kanilang ina saka nagsitakas.

“Noong napahinto kami, binaril nila agad. Hinawakan ko si mama ko dito para hindi na nila barilin pero binaril pa nila ulit,” anang isang anak ng biktima.

Wala namang maisip na dahilan ang pamilya ng biktima para patayin ang ginang pero dati na raw itong inakusahan ng pagnanakaw.

Ayon sa mga otoridad, tatlong basyo ng bala ng .45 pistol ang narekober sa pinangyarihan ng insidente

Agad na dinala sa ospital ang ginang pero dead-on-arrival ito dahil sa tinamong mga bala sa dibdib, ayon sa mga doktor. (Allan Bergonia)

TELETABLOID

Follow Abante News on