WebClick Tracer

10 haybol nilamon ng apoy

Aabot sa 10 sampung kabahayan o higit pa ang mabilis na nilamon ng apoy sa nangyaring sunog sa residential area kamakalawa ng gabi sa C-Namie, Barangay 38 Caloocan City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Caloocan, umabot sa unang alarma ang sunog na naganap bandang alas-9:51 ng gabi.

Nabatid na nahirapang apulahin agad ng mga bumbero ang apoy dahil na rin sa dami ng taong sumasalubong sa kanila sa pinangyarihan ng sunog.

Si Aling Irene Mabanglo, isa sa may-ari ng bahay ay wala umanong naisalba ni isang gamit sa natupok nilang tahanan dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy na sinasabing nagmula umano sa pagsiklab ng kuryente. Ito ay dahil na rin inuna niyang isalba ang kanyang mga anak at magulang.

Bandang alas-10:40 ng gabi nang ideklara ng BFP na fire under control ang sunog.

Ang ilan sa nasunugan inabot pa naming iinipon ang ilan gamit na pwedeng pang pakinabangan.

Nasa 30 pamilya ang nasunugan, na pansamantalang patutuluyin sa bakanteng lote ng barangay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP Caloocan para tukuyin ang pinagmulan ng sunog at kabuuang damage nito. (Darcie de Galicia)

TELETABLOID

Follow Abante News on