WebClick Tracer

Nagka-casino na Chinese dinukot

Nasagip ng mga miyembro ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) ang isang Chinese national na dinukot ng kanyang mga kababayan nitong Linggo sa Pasay City.

Sa ulat na ipinadala ni AKG Director Police Brig. Cosme Abrenica, nasagip ang 30-anyos biktima alas-9:30 ng gabi nitong Linggo sa Pasay sa nasabing lungsod matapos itong dukutin ng mga suspek, umaga ng nasabi ding petsa sa isang kilalang casino sa nasabing lungsod.

Humingi naman ng tulong ang kaibigan ng biktima sa pamunuan ng Southern Police District (SPD) na siyang nag-refer ng kaso sa AKG dahilan upang isagawa ang agarang operasyon.

Natunton ng pinagsanib na puwersa ng AKG at SPD ang biktima na pinipigil sa isang hotel sa Pasay City ng mga suspek kaya agad silang nagsagawa ng rescue operation at nasagip ang biktima habang nadakip naman ang dalawang suspek.

Sa ngayon ay nakakulong na ang mga suspek sa PNP-AKG detention cell at sinampahan na ng kasong kidnapping for ransom. (Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on