WebClick Tracer

Karpintero nahulihan ng P.6M shabu

NAREKOBER sa pag-iingat ng isang karpintero ang mahigit sa P600,000.00 na halaga shabu kahapon ng madaling araw sa Barangay 175 Camarin Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si alyas Jojo, 54, residente ng Caloocan city.

Naaresto ng pulisya ang nasabing suspek ala-1:30 ng madaling-araw habang nagsasagawa ng foot patrol kung saan nasabat dito ang tinatayang P.6M halaga ng iligal na droga.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya ay naging kaduda-duda umano ang kilos ng karpintero habang may kausap pang isang lalaki kung saan nang matanaw ang mga palapit na pulis na nagsasagawa ng foot patrol ay agad na kumaripas ng takbo ang kausap nito.

Nang siyasatin ang naturang karpintero ay nakuha sa pag-iingat nito ang nakaplastic na droga.

Todo-tanggi naman si alyas Jojo na sa kanya ang narekober shabu na tumitimbang ng nasa 100 gramo.

Aniya, ipinatago lamang daw ito sa kanya ng kaibigan ngunit hindi niya alam ang pangalan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Repuclic Act 9165 si alyas Jojo na nakadetine na ngayon sa Station 11 Caloocan.

(Darcie De Galicia)

TELETABLOID

Follow Abante News on