WebClick Tracer

Kaibigan nabaril ng bagets, tsugi

Binawian ng buhay ang isang 21 taong gulang na lalaki nang aksidente itong mabaril ng kanyang kaibigan sa Brgy. Tabunan, Bago City, Negros Occidental noong Linggo.

Bago ang insidente, batay na rin sa imbestigasyon ng pulisya, nagwawalis ng sahig ang menor de edad at isa pang kaibigan sa loob ng bahay ng binatilyo nang dumating ang biktima at hiniling umano sa menor de edad na kunin ang baril ng kanyang stepfather.

Akmang iaabot na sana ng menor de edad ang baril sa biktima nang hindi sinasadyang nakalabit nito ang gatilyo at pumutok ang baril kung saan aksidenteng tumama ang bala sa noo ng biktima.

Sinabi ng pulisya na mabilis itong itinakbo sa South Bacolod General Hospital ngunit idineklara nang patay alas-2:14 ng madaling araw.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Dinala na rin sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ang menor-de-edad para sa kaukulang disposisyon habang ang baril ay nasa kustodiya na ng evidence custodian.

TELETABLOID

Follow Abante News on