WebClick Tracer

8 pupil nag-collapse sa auditorium

NAHILO at nahimatay ang walong Grade 7 students ng Sta. Ana National High School sa Davao City sa kasagsagan ng kanilang rehearsal sa loob ng isang auditorium para sa isang recital performance.

Mabilis naman na nagtungo sa venue ang mga emergency responder at sinaklolohan ang mga nag-collapse na estudyante.

Isa sa tinitingnang anggulo o dahilan ng biglaang pagkawala ng malay ng mga mag-aaral ay ang gutom.

Gayunma’y inilahad din ng mga estudyante na hindi nakabukas ang air condition unit sa auditorium sa kalagitnaan ng kanilang ensayo.

Anila’y sinabi ng pamunuan ng auditorium na kaya hindi umano pinabuksan ang aircon ay dahil sa nirentahan nila nang libre ang venue sa mga event organizer.

Dulot nang insidente’y bawal na ngayong gamitin ang nasabing auditorium nang hindi nakabukas ang aircon.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang magiging reaksyon ng Department of Education Regional Office XI sa nasabing senaryo. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on