WebClick Tracer

P108M shabu nasilat sa Zambo

Mahigit 16 kilo ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isang drug bust operation ng mga tauhan ng PDEA, CIDG at PNP sa Barangay Canelar, Zamboanga City Biyernes ng gabi.

Ang transaksyon ay nangyari malapit sa isang gasoline station sa kahabaan ng Governor Camins Avenue sa nasabing lungsod.

Kinilala ni ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9 ang suspek na si Alnasher Jumdain Mudah, 42, ng Barangay Talon-Talon.

Nakumpiska sa sasakyan ng suspek ang isang bagahe na may 16 nakabalot na pakete ng hinihinalang shabu.

Nabawi rin dito ang P16 milyong boodle money at iba pang non-drug parapherlia.

Sinabi ni PDEA OIC Agent Aldus Restor, nasa P108M ang market value ng mga nasamsam na iligal na droga.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165.

(Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on