WebClick Tracer

Most wanted ng Paranaque nasakote

Arestado ng pulisya ang isang tinaguriang top most wanted person sa ikinasang operasyon sa Paranaque City, Biyernes ng gabi.

Isang alyas Love Singh, 24, na itinuturing na top most wanted person ng Southern Police District sa buwan ng Mayo, 2024 ay inaresto sa kasong murder.

Bandang alas-9:30 ng gabi nang dakpin ang suspek sa Barsngay Sun Valley, Parañaque City habang armado ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng Paranaque CPS.

Ang arrest order ay inilabas ni Hon. Judge Ma. Christina De Pio Lim, ng Regional Trial Court, Branch 296, Parañaque City, nitong March 20, 2024 dahil sa kasong murder at walang piyansa para rito.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek. (Betchai Julian)

TELETABLOID

Follow Abante News on