WebClick Tracer

Totoy binaboy ni titser sa classroom

SWAK sa kulungan ang isang lalaking teacher na umano’y gumahasa sa kanyang 12-anyos na estudyanteng lalaki sa loob mismo ng kanilang silid-aralan sa Sta. Barbara, Pangasinan, ayon sa Sta. Barbara Police Station (SBPS) kahapon.

Sa ulat ng SBPS, base na rin sa testimonya ng biktimang Grade 6 pupil, noong May 12, pinapasok umano siya ang suspek na guro, na hindi muna pinangalanan, para mag-practice ng graduation ceremony.

Sa pahayag ng biktima sa pulisya, wala umanong nangyaring ensayo para sa graduation at halip, pinapasok umano ng suspek na guro ang biktima sa classroom at doon siya (biktima) hinawakan ng guro sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa SBPS investigation bureau, pagkauwi ng biktima sa bahay, dito na siya nagsumbong.

“Umiiyak ang anak ko na nagsusumbong sa akin na, ‘Ayaw ko na pumasok dahil ang teacher ko bastos,’” sabi ng ina ng biktima sa mga pulis.

Samantala, sinabi ni SBPS chief-of-police P/Lt. Col. Jun Wacnag, dati na umanong ginagawa ng suspek ang kalaswaan sa estudyante pero ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob na magsumbong laban sa guro.

Nakakulong ngayon ang suspek sa SBPS jail at sasampahan ng kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

TELETABLOID

Follow Abante News on