WebClick Tracer

Mga ‘babae’ ni Willie Revillame, ipinakilala na

Nitong Miyerkoles ng umaga ay pumirma na ng kontrata sa MediaQuest Ventures sina Ana Ramsey, Queenay Mercado, at Inday Fatima bilang WIN Girls.

Ang WIN Girls ang makakasamang co-hosts ni Willie Revillame sa kanyang comeback TV show na mapapanood soon sa TV5.

Ang bongga nga ng tatlong WIN Girls ni Kuya Wil dahil talented, pretty, at funny ang mga ito.

Si Ana ay nagsimulang radio DJ pero mas nakilala siya bilang isa sa mga dating host ng ‘Showtime Online U’, ang online show ng Kapamilya noontime show.

Si Queenay naman ay sumikat sa kanyang mga TikTok videos dahil sa kanyang nakakaaliw na Batanguena accent.

Lumabas na rin siya sa iba’t ibang TV shows at movies gaya ng ‘Bubble Gang’ at ‘Slay Zone’.

Isang probinsyana beauty queen at influencer naman si Inday Fatima.

Sa naganap na mediacon para sa kanilang tatlo na naganap sa TV5 Media Center ay nlinaw nila na hindi sila handpicked at dumaan daw talaga sila sa auditions.

Na-meet na rin daw nila si Kuya Wil at sey nila ay walang humpay na tawanan daw ang unang bonding nila.

Rebelasyon din nila na may dalawa pa silang makakasama sa WIN Girls na ipapakilala soon.

Bago nga matapos ang mediacon ay pinakita ang silhouette ng dalawa pang magiging co-hosts ni Kuya Wil.

I’m sure aabangan na ng mga Kapatid kung sino pa ang dalawang co-hosts na base sa silhouette na pinakita ay mukhang isang sports celebrity or atleta.

Exciting!

Samantala, naiyak naman si Queenay sa kanyang closing speech sa mediacon, ha.

‘Yun na! (Byx Almacen)

TELETABLOID

Follow Abante News on