WebClick Tracer

May kargang bata: Sarah Geronimo hiniritang mag-baby na

Hindi na naman nakaligtas sa netizens at Popsters si Sarah Geronimo matapos nilang hiritan na dapat ay magka-baby na ang singer-actress ay mister niyang si Matteo Guidicelli.

Nag-trending kasi sa online world ang mga photos na pinost ni Matteo sa kanyang Instagram nitong Martes ng gabi. Kabilang dito ang candid picture ni Sarah na makikitang karga-karga ang niece nilang si Gianna.

Bakas sa mukha ng Popstar Royalty ang kaligayahan habang inaalagaan ang anak ng hipag niyang si Giorgia.

Kuha ang mga photos sa family dinner ng mga Guidicelli para i-celebrate ang graduation ng nakababatang bayaw ni Sarah na si Paolo at niece ng mag-asawa na si Gianna.

Tuwang-tuwa ang fans dahil masipag daw magbigay ng ayudang photos at videos ng mga ganap ni Sarah.

Kinulit din ng netizens ang mag-asawa na sana sariling baby na nila soon ang kasama nila sa mga ganap ng pamilya nila.

Parang mas atat na atat pa ang fans na magka-baby na sina Sarah at Matteo. Kaloka! (Ogie Rodriguez)

TELETABLOID

Follow Abante News on