WebClick Tracer

Iloilo state of calamity sa El Niño

Isinailalim ngayon sa state of calamity ang lalawigan ng Iloilo dulot ng El Niño phenomenon.

Ang rekomendasyon ng Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ay inaprubahan ng Iloilo Provincial Board nitong Martes.

Batay sa tala ng Iloilo PDRRMC, lumobo sa mahigit P1 bilyon ang pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa 42 na bayan.

Sapol din ng matinding pagkalugi ang rice production na umabot sa mahigit P653 milyon habang ang pinsala sa corn production ay pumalo sa P219M.

Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang mga local government unit ng mga bayan ng Sara, Estancia, Bingawan, Balasan, Dingle, Lemery, San Dionisio, Banate, Barotac Viejo, Ajuy at Mina gayundin ang Passi City.

TELETABLOID

Follow Abante News on