WebClick Tracer

Dennis Padilla ‘di pa rin nakakausap si Marjorie Barretto

Teary-eyed kami nang makatsikahan namin si Dennis Padilla after ng special screening ng ‘When Magic Hurts’ na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia.

Paano ba naman, napaiyak si Dennis.

Tungkol sa mga anak niya ang topic kaya hindi naiwasan ni Dennis ang mapaiyak.

Naku, kilalang komedyante, magaling magpagtawa si Dennis, pero iyakin din pala siya, ha!

Anyway, after ng screening ng ‘When Magic Hurts’, biniro-biro na namin si Dennis. Sabi namin, babati ba siya dahil ‘golden girl’ na sa Sunday ang isang nakarelasyon niya?

Hindi pa niya makuha kung sino ang tinutukoy namin, kaya sabi ko talaga, bakit tila hindi niya alam na si Marjorie Barretto, na ina ng tatlo niyang anak na sina Julia, Claudia, Leon Barretto?

“Oo nga pala,” sey ni Dennis.

Pero aminado nga si Dennis na ang tagal na talaga niyang hindi nakakausap ang ex-wife.

Noong naghiwalay raw sila, ang communications daw nila ay si Julia. Na kung may nais siyang sabihin kay Marjorie ay kay Julia niya sinasabi.

Pero siyempre, in the future, nais din naman ni Dennis na magkaayos sila ni Marjorie.

Siyanga pala, masaya si Dennis na napasama siya sa cast ng ‘When Magic Hurts’ dahil mismong si Claudine Barretto raw ang nagrekomenda na mapasama siya sa pelikula.

Si Claudine raw ang nagsabing bagay siya sa role niya sa ‘When Magic Hurts’.

Naikuwento nga ni Dennis na noong araw pa raw, na sila pa ni Marjorie ang mag-asawa, malapit na siya kay Claudine.

Noong si Mark Anthony Fernandez pa nga raw ang karelasyon ni Claudine ay may pagkakataon daw na tumira pa sa kanila si Claudine.

Actually, sobrang puri nga ni Dennis si Claudine, ha!

So bongga!

TELETABLOID

Follow Abante News on