WebClick Tracer

False killer whale naispatan sa Sarangani

Isang false killer whale ang naispatan sa karagatan ng bayan ng Glan na bahagi ng 215,950 ektaryang Sarangani Bay Protected Seascape (SBPS) sa lalawigan ng Sarangani.

Ayon kay Cirilo Lagnason Jr., pinuno ng SBPS-Protected Area Management Office, namataan ang nag-iisang false killer whale sa karagatan ng Barangay Burias sa Glan habang nagha­hanap ng pagkain noong Mayo 9.

Binabaybay ng mga tauhan ng SBPS ang karagatan sa ilang bayan sa mga lalawigan ng Sarangani, South Cotabato at General Santos City nang maispatan nila ang balyena.

Ang false killer whale ay kabilang sa pinakamalaking miyembro ng oceanic dolphin family.

Napagkakamalan itong pating dahil sa kulay nitong dark grey at itim na itim at bungo na tulad ng kinatatakutang pating.

Karaniwan itong nakikita sa Australia at ang kanilang kinakain ay mga isda, pusit at maging ang maliliit na dolphin. (Carl Santiago)

TELETABLOID

Follow Abante News on