WebClick Tracer

Barangay kagawad inutas sa Batangas

BUMULAGTA ang isang barangay kagawad nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang grupo ng mga salarin sa harap ng kanilang bahay sa Batangas City noong Lunes.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Golden Gate Hospital ang biktimang si Dennis Atienza, kagawad sa Barangay Cuta sa nasabing lungsod.

Ayon sa report ng Batangas City police, papasok na ang biktima sa compound ng kanilang bahay sa Sitio Itlugan nang dumating ang hindi pa matukoy na bilang ng mga salarin at malapitan itong binaril bandang ala-una nang tanghali.

Agad na bumulagta ang biktima mula sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.

Inaalam na ng pulisya ang mga pagkaka­kilanlan ng mga salarin gayundin ang motibo sa krimen. (Ronilo ­Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on