WebClick Tracer

Misis tinarakan ng lasing na dyowa

SA halip na bulaklak o magandang regalo, saksak ng itak sa dibdib ang tinanggap ng isang misis mula sa kanyang la­sing na mister sa pagdi­riwang ng Mother’s Day noong Linggo sa General­ Nakar, Quezon.

Sa ulat, inoobserbahan sa Claro M. Recto Hospital ang biktimang si Melinda Aycardo habang arestado at nahaharap sa kasong frustrated parricide ang kanyang asawa na si Leon.

Ayon sa report ng General Nakar police, umuwing lasing ang suspek sa kanilang bahay sa Barangay Bang­los pasado alas-10:00 nang gabi.

Sa hindi pa matukoy na dahilan, ina­way nito ang kanyang naghihintay na asawa hanggang mauwi sila sa mainitang pagtatalo.

Dahil sa kalasingan, binunot ng suspek ang nakasukbit na itak at sinaksak sa dibdib ang asawa.

Matapos na bumu­lagta ang asawa, tinangka ng suspek na tumakas pero nadakip ito ng mga rumespon­deng pulis. ­(Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on