WebClick Tracer

Lumuray, pumatay sa 10-anyos nang-agaw ng boga, bumulagta

PATAY ang umano’y pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 10-anyos na batang babae sa Tupi, South Cotabato matapos umano itong mang-agaw ng baril sa loob ng presinto noong Linggo.

Sa ulat na ipi­nadala sa Camp Crame ni Lt. Richard Ho, hepe ng Tupi Municipal Police Station (MPS), tinangka ng suspek na kinilalang si Ro­nald, 44-anyos, na agawin ang baril ng isang pulis habang isinasagawa ang booking procedure nito sa loob ng presinto.

Habang nagpapambuno ang suspek at pulis sa baril, isang kasamahan ng huli ang rumesponde sa kaguluhan at pinutukan ang una.

Dinala sa pinakamalapit na ospital ang suspek pero idineklara na itong dead on arrival dahil sa isang tama ng bala sa katawan.

Matatandaang ang suspek na si Ronald ang itinuro ng isang saksi na pu­wersahan umanong tumangay sa 10-anyos na batang babae habang pauwi ito mula sa eskuwelahan noong hapon ng Mayo 10 sa ba­yan ng Tupi.

Kinabukasan, natagpuan ang bangkay ng batang biktima sa Sitio Lembisong Barangay Kablon at may mga palatandaang ginahasa muna ito bago pinatay. ­(Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on