WebClick Tracer

Kamatayan ‘regalo’ ng mister sa Mother’s Day

HINDI kasiyahan kundi kalungkutan ang na­dama ng isang ginang sa selebrasyon ng Mother’s Day matapos niyang masaksihan ang kanyang mister habang nalulunod sa malalim na bahagi ng ilog sa Amadeo, Cavite noong Linggo.

Isinugod sa Rural Health Center ng Amadeo ang biktima na si alyas ‘Ranel’ pero hindi na ito umabot ng buhay.

Una rito’y naisipan ng biktima na i-treat ang kanyang asawa bilang regalo sa pagdiriwang ng Mother’s Day kaya niyaya niya ang huli na maligo sa Biting Bayong river sa Barangay Banay Banay, Amadeo, Cavite.

Habang naliligo ang dalawa, bigla umanong nagtungo ang biktima sa mataas na bato at tumalon sa tubig bandang alas-dos nang hapon.

Maya-maya ay nakita ng ginang na sumising­hap at nalulunod na ang asawa kaya agad siyang nagpasaklolo para sa­gipin ito.

Nasagip naman ito at sinugod sa ospital pero hindi na rin ito naisalba. (Gene Adsuara)

TELETABLOID

Follow Abante News on