WebClick Tracer

Bulkang Mayon 4 beses yumugyog, lumuwa ng mga bato

APAT na beses yumanig na sinabayan ng tatlong ulit na pagluwa ng mga bato ang Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naglabas din ng katamtamang dami ng usok ang bulkan na umabot sa taas na 100 metro habang nakita sa teleskopyo ang bahagyang pagdingas ng bunganga nito.

Noong Mayo 8, bumuga ang bulkan ng 586 tonelada ng asupre dahilan ng panandaliang pamamaga ng paligid ng bunganga ng bulkan.

Kasalukuyang nasa Alert Level 1 ang bulkan.

Samantala, ipinaalala ng Phivolcs na bawal pa ring pumasok sa six-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan. Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit dito. (Vince Pagaduan)

TELETABLOID

Follow Abante News on