WebClick Tracer

Sylvia Plath patok sa mga dehadista

MARKADO sa mga dehadista ang kabayong si Sylvia Plath pagsalang nito sa Philracom Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas ngayong Linggo.

Tangan ang bigat na 57 kilograms, posibleng makalaban ni Sylvia Plath sa nasabing event ang inaasahang magiging liyamadong si Fortissimo sa naturang 1,400-meter race.

Nakalaan ang P15,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa meta, ang ibang kasali ay sina Black Star, Miss Hibiki, Saratoga Chrome at Glamour Girle.

Hahamig din ng added prize na P11,000 ang winning horse owner sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Sasakyan ni jockey EA Abrea si Sylvia Plath habang si reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) – Jockey of the Year awardee John Alvin Guce ang gagabay kay Fortissimo.

Samantala, pitong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club, Inc. (MMTCI) kaya tiyak na masaya ang mga kareristang maglilibang ngayong araw. (Elech Dawa)

TELETABLOID

Follow Abante News on