WebClick Tracer

Marian sasalang sa Cinemalaya 2024

Sasabak sa unang pagkakaton sa isang Cinemalaya movie si Marian Rivera, ha!

Nagulat ang mga followers ni Sassa Gurl sa kanyang TikTok account na ang akala nilang simpleng comedy content ay cast reveal pala ng pelikula kung saan isa-isa niyang sinulat ang pangalan ng 12 cast members sa isang balota.

Unang pinakilala sina Will Ashley, Royce Cabrera, Nico Antonio, Raheel Bhyria, Joel Saracho, Donna Cariaga, Sue Prado, Mae Paner, Gardo Versoza, Esnyr, at si Sassa Gurl.

Dahil 12 na pangalan ang kailangan sa balota, nilista ni Sassa ang pangalan ni Marian.

Sa dulo ng content ay pinakita nga ang title ng movie na ‘Balota’ at ang Cinemalaya 2024.

Maraming netizen ang natuwa at na-excite sa naging desisyon ng reigning Box-office Queen na gumawa ng Cinemalaya movie.

Sey ng isang Kapuso fan, “ISANG MATAPANG AT MAPANGAHAS NA ROLE ANG GAGAMPANAN NG AKTRES SA PELIKULANG ITO MGA KAPUSO.”

Sa pelikula kasi ay gagampanan niya ang character ni Fely na isang teacher na magtatrabaho sa poll precint sa araw ng election. Siya at ang kanyang mga kasama ay gagawin ang lahat para maprotektahan ang resulta ng election sa kanilang bayan.

Sa istorya, isang greedy tycoon at isang dating aktor ang naglalaban para sa pagiging mayor.

Ang award-winning director na si Kip Oebanda ang hahawak ng pelikula na mapapanood bilang bahagi ng 2024 Cinemalaya Film Festival simula August 2 hanggang 11.

Bonggels!

TELETABLOID

Follow Abante News on