WebClick Tracer

Levi Ruivivar sinungkit ticket sa Paris Games

HINDI napigilan ang Filipino-American na si Levi Ruivivar na makamit ang kanyang pinakamimithing silya sa Paris Olympics matapos na magwagi ng kinakailangang pilak na medalya sa uneven bar sa ikaapat at huling qualifying leg ng FIG Artistic Gymnastics World Cup na ginanap sa Doha, Qatar.

Umiskor si Ruivivar ng 13.633 sa finals upang tumapos sa likod lamang ni Kaylia Nemour ng Algeria, na nakakuha ng 15.366, pangatlo naman si Alena Tsitavets na may 13.600 puntos.

Gayunman, pinakamahalaga sa mula Los Angeles, California at dating reserve sa Team USA Gymnastics na si Ruivivar ang makamit ang kanyang ticket sa pagrerepresenta sa bansa ng kanyang lolo at lola sa Paris Olympics na kanyang pinakamimithi.

Ang pilak na medalya ni Ruivivar sa itinala na 5.8 score sa difficulty at 7.833 sa execution, para sa kabuuang 13.633 puntos, ay nagbigay sa kanya ng pinakaunang medalya sa mundo, nakatanggap ang 17-taong-gulang ng 30 Olympic qualifying points na ibinigay sa top-finishing athlete ng event, dahil natatak na ni Nemour ang kanyang ticket sa Paris noong nakaraang taon.

Naitaas ni Ruivivar ang kabuuang Olympic qualifying points sa 62, dahil nakakuha siya ng 14 sa Cairo at 18 sa Baku. (Lito Oredo)

TELETABLOID

Follow Abante News on