WebClick Tracer

Janry Ubas sinungkit ginto, Leonard Grospe kinana tanso

IPINAGPATULOY ni Janry Ubas ang pagnanais makatuntong sa 2024 Paris Olympics matapos itong magwagi ng gintong medalya sa men’s long jump sa 84th Singapore Open Track and Field Championships sa Singapore Sports Hub, Biyernes ng gabi.

Ang reigning SEA Games champion ay tumalon ng 7.58 metro para biguin ang pinakamalapit na karibal mula sa Chinese Taipei (7.43) at host Singapore (7.26m) na nanirahan sa pilak at tanso.

Ang panalo ay makatutulong kay Ubas na mapabuti ang kanyang kasalukuyang ika-35 na puwesto sa World Athletics Olympic Qualification Rankings, kung saan ang Top 32 lamang ang magiging kuwalipikado.

Ikalawang medalya para sa Pilipinas ang ginto ni Ubas sa Singapore meet kasunod ng tanso na nakamit naman ni Leonard Grospe sa men’s high jump nitong Huwebes.

Tinalon ng 22-taong gulang at record holder na si Grospe ang taas na 2.14 metro para sa tansong medalya sa Singapore. (Lito Oredo)

TELETABLOID

Follow Abante News on