WebClick Tracer

Canadian courier ng 1.4 toneladang shabu,missing

NAWAWALA umano ang Canadian na sangkot sa pagdala sa bansa ng 1.4 toneladang shabu nang hindi ito matagpuan ng pulisya sa pagsalakay nila sa bahay nito sa Nasugbu, Batangas kahapon nang madaling araw.

Pinasok ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) 4-A ang bahay ni James Martin sa Tiburon st., Maya-Maya Ocean Residence sa Barangay Natipuan sa nasabing bayan sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte para sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 pero wala ito sa nasabing lugar mula ala-1:20 hanggang alas-kuwatro nang madaling araw.

Hindi naman nagbigay ng ibang detalye ang pulisya kung ano ang kanilang nakuha sa paghahalughog sa bahay ni Martin.

Ayon kay Police Lt. Col Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 4 , ang pagsisilbi ng search warrant ay konektado umano sa P9.6 bilyon shabu na nasabat sa checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong nakaraang Lunes.

Nauna nang sinabi ng mga awtoridad na hawak na nila ang isang yate na pinaniniwalaang pinag-kargahan sa high-grade na shabu papasok ng bansa.

Nakadaong ito sa baybayin ng Nasugbu na iniimbestigahan na rin ng Philippine Coast Guard (PCG).(Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on