WebClick Tracer

2 paslit iniwan sa haybol, ‘nilamon’ ng apoy

KAAWA-AWA ang sinapit ng dalawang musmos na kapwa natusta nang lamunin ng apoy ang kanilang barong-barong matapos silang iwan ng kanilang nanay para maghanap ng panggatong sa Silang, Cavite noong Huwebes nang hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Rhyle, 3-anyos at Rhian, isang kindergarten student, kapwa residente sa Purok 1, Barangay Biluso, Silang, Cavite.

Ayon sa ina ng dalawang biktima, iniwan niya saglit ang kanyang dalawang anak sa loob ng kanilang barong-barong para maghanap ng panggatong pero nasusunog na ito pagbalik niya bandang alas-tres nang tanghali.

Ganap na alas-4:15 nang hapon nang lubusang maapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog.

Inaalam pa ang sanhi ng insidente.(Gene Adsuara)

TELETABLOID

Follow Abante News on