WebClick Tracer

Grade 8 student tiningga sa ulo

NASAWI ang isang Grade 8 student matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin habang papasok sa kanilang paaralan sa Agoncillo, Batangas noong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jenny Balacuit, 13-anyos, estudyante ng Banyaga National High School.

Ayon sa report ng Agoncillo police, naglalakad ang biktima patungo sa paaralan nang sabayan ito ng naka-motorsiklong suspek bandang alas-sais nang umaga.

Unang inakala ng mga nakakita na inihahatid o ine-escortan ng suspek ang biktima pero bigla itong bumunot ng cal.9mm na baril at pinutukan ng isang beses sa ulo ang dalagita.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Ayon sa kapatid ni Jenny na si Joffil, wala silang alam na kaaway ng biktima.

Hustisya ngayon ang hinihingi ng pamilya para sa pagkasawi ng biktima.

Ayon kay Police Major Roderick Noprada, nagsasagawa na sila ng backtracking investigation at nangangalap na ng kuha ng CCTV para matukoy ang pagkakakilanlan sa suspek na naka-jacket at shorts. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on