WebClick Tracer

Ice nagbihis babae para kay Bossing Vic

Nitong Sabado ay ipinagdiwang na ang ‘warm up’ ng 70th birthday celebration ni Vic Sotto sa ‘Eat Bulaga’.

May pa-cake ang ‘EB’ sa lahat ng April birthday celebrators na nasa audience nila.

At dahil special ang araw na iyon, Sexbomb dancers ang naglaro sa segment ng ‘Peraphy’. Nag-perform muna ang grupo ng mga pinasikat nilang kanta at sayaw bago naglaro sa sikat na segment ng Dabarkads noontime show.

Sa Facebook live ng nasabing Kapatid show sa TVJ FB account ay hinanap ng mga online viewers at Team Bahay ang pinakasikat na member ng Sexbomb na si Rochelle Pangilinan.

Si Jopay tuloy ang tumayong leader ng grupo habang naglalaro ng ‘Peraphy’.

GMA artist talent si Rochelle kaya understandable kung wala man ito sa birthday celebration ni Bossing sa ‘EB’.

Pero ang isa pang sorpresa ng araw na iyon ay ang pagbibihis babae at todo makeup ni Ice Seguerra.

Wala kasi si Ryan Agoncillo nitong Sabado kaya si Direk Ice ang pumalit dito bilang member ng ‘Singing Gals’ ng ‘Eat Bulaga’. Ang grupong ito ay kinabibilangan nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, at Ryan. Nagbibihis babae ang mga Dabarkads host na siyang humahawak ng cards at nag-a-assist sa player ng ‘Peraphy’.

Maski si Bossing Vic ay hindi agad nakilala o namukhaan si Ice. Sabi nga ni Joey de Leon, bumalik na raw sa ‘Eat Bulaga’ si Aiza Seguerra. Hiyawan ang mga tao sa studio nang lumabas ang dating Little Miss Philippines.

Pero medyo naluha si Bossing Vic nang kantahan siya ni Ice ng ‘Will You Love Me Tomorrow’.

Gandang-ganda naman ang birthday boy sa anak-anakan at super thankful ito at nag-effort pa para lang mapasaya ang kanyang celebration.

Mukhang mas magiging kaabang-abang ang mga susunod pang pasabog para sa birthday celebration ni Bossing Vic. May dalawa pang Sabado bago ang April 28 na siyang actual birthday ng TV host/producer na tiyak pinaghahandaan na ng Legit Dabarkads noontime show.

‘Yun na!

TELETABLOID

Follow Abante News on