WebClick Tracer

Win Metawin dinumog, pinagkaguluhan sa ‘Pinas

Nasa Pilipinas na ang Thai actor na si Win Metawin.

Hindi magtatagal si Win sa ating bansa kaya siksik ang schedule ng kanyang media day para i-promote ang kanyang movie na ‘Under Parallel Skies’.

Solo siyang humarap sa mga TV reporter at content creators at nang matapos ay sumabak siya sa dalawang mall tours noong Lunes.

Una nga ay ang kanyang cinema tour sa SM Mall of Asia na sinundan ng kanyang mall show sa Ayala Malls Glorietta.

Ang dami ngang Pinoy fans ang na-excite na makita ang Thai superstar dahil umaga pa lang noong Linggo ay ang haba na ng pila sa Ayala Malls Glorietta kahit sarado pa ito para lang makakuha ng wristband na magiging access sa pag-watch ng live sa mall show nito noong Lunes.

Noong mismong mall show nga ay puno ng tao sa activity center hanggang sa iba’t ibang level ng mall para manood ng show ni Win.

Noong Lunes nga rin ay ang daming tao sa may cinema lobby ng SM Mall of Asia na nag-abang sa pagdating ni Win. Doon kasi siya unang nagpunta.

Nitong Martes naman ay nakasama na ni Win si Janella Salvador na kapareha niya sa pelikula at nag-promote ng pelikula sa ‘It’s Showtime’.

Sa ‘Under Parallel Skies’ ay gagampanan niya ang Thai na si Parin na mai-in love sa Pinay hotel staff sa Hong Kong na si Iris na ginagampanan nga ni Janella.

Ang award-winning director na si Sigrid Bernardo ang direktor ng pelikula na ipapalabas sa Pilipinas on April 17.

Bonggels!

TELETABLOID

Follow Abante News on