WebClick Tracer

Luis Manzano kakabugin SB19

Aliw talaga itong si Luis Manzano!

Nagpasabog nga ng good vibes sa social media ang pagsasayaw ng mister ni Jessy Mendiola ng ‘Gento’ ng SB19.

Sa Instagram nga ay pinost ni Luis ang video kung saan ay nagsayaw siya na ang background music ay ang ‘Gento’.

Bigay na bigay si Luis sa pagsasayaw at sa caption nga ay sinabi niyang, “Di ko sinasabing dapat na kabahan @officialsb19, pero kung kakabahan kayo… ngayon na dapat yun! Baka gawin ko pang SB20 sa galing ko.”

O di ba naman at ang bongga ng dialogue ni Luis at talagang flinex niya ang galing niya!

Siyempre, pakuwela lang naman iyon ng anak nina Vilmq Santos at Edu Manzano.

Kilala naman si Luis sa mga ganung bagay kaya aliw talaga sa kanya ang fans, netizens.

Napa-comment nga pala si Jessy ng, “Jusko,” with matching laughing emoji.

Obvious na pati si Jessy ay aliw sa pagiging ‘Kenkoy’ ng kanyang mister, ha!

Siyempre maraming fans ang napa-comment.

Huling-huli talaga ni Luis ang kiliti ng kanyang followers.

‘Yun na! (Jun Lalin)

TELETABLOID

Follow Abante News on