WebClick Tracer

Lolo dedo sa motorsiklo ng mag-kuya

TODAS ang isang 79-anyos na lolo matapos itong masalpok ng motorsiklong lulan ng magkapatid sa Tayabas City, Quezon noong Lunes nang umaga.

Idineklarang dead on arrival sa Tayabas Community Hospital ang biktimang si Pedro Alpajora Remolona, ng Barangay Palale, Tayabas City dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Ginagamot naman sa Quezon Medical City ang magkapatid na Radzmil Lisani, 18 anyos, at 12-anyos nitong kapatid, kapwa residente sa Dalahican, Lucena City dahil sa tinamo nilang mga sugat sa katawan.

Ayon sa report ng Tayabas City police, naglalakad ang biktima sa gilid ng highway sa Barangay Pang-ibabang Palale sa lungsod nang masalpok ito ng motorsiklo ng magkapatid pasado alas-diyes nang umaga.

Bumagsak ang matanda sa kalsada habang natumba ang motorsiklo ng magkapatid.

Isinugod sa ospital ang tatlo pero hindi na umabot ng buhay ang lolo. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on