WebClick Tracer

Lolit Solis kay Vice Ganda: ‘Anong mukha ihaharap mo kay Jessica?’

Hindi na masyadong excited si Tita Lolit Solis sa panibagong ‘banggaan’ ng ‘Eat Bulaga’ at ‘It’s Showtime’.

Kunsabagay, sa panahon ngayon, madalang na lang talaga ang nanonood ng telebisyon. Karamihan nga ay sa streaming platform, social media, digital na nanonood ang mga tao.

Kumbaga, ang rating noon na umaabot ng 21% o hanggang 50%, ngayon ay masuwerte ka na kapag naka-5% o 7% percent ka, ha!

“Ang dami na kasing ano… ang mga bata nga ngayon, hindi na nanood ng TV, eh. Sa phone na lang sila kumakal-kalkal, ha!

“Pati mga commercial, ang laki na ng discount, ha! Hindi katulad before, ang mahal-mahal.

“Ngayon mura na lang. Hindi kagaya dati. Ngayon kasi, talagang bulto na, kaya ang dami-rami. Hindi kagaya noon na kapag bumili ka ng 30 seconds, my God, nakakaloka ang mahal-mahal.

“Ngayon wala na, eh!

“Pero siguro may mga manonood pa rin, pero hindi na katulad noon na ang dami-rami.

“Lalo na ngayon may mga bata na ang tingin sa showbiz ay baduy!

“Pero, ang dami pa rin naman gustong mag-artista. Kapag bata ka kasi, para sumikat ka, mag-artista ka. Eh, ngayon marami nang paraan para sumikat ka,” sey ni Tita Lolit.

So, dedma siya, wapakels, sa pagbabalik ng giyera sa pagitan ng ‘Eat Bulaga’, ‘It’s Showtime’?

“Ang maipapayo ko lang kay Vice (Ganda), kumbaga, mag-ingat ka ring magsalita. Kasi, kakainin mo ang sinabi mo, ‘di ba?

“Ano ngayon ang mukha mong ihaharap ‘pag nagkita kayo ni Jessica (Soho)?

“Baka mamaya sabihin ni Jessica, ‘Ay hindi na Kapuso, kadiri na’! Hahahaha!” natatawang chika ni Tita Lolit.

Kunsabagay, ang dami ring pang-asar na hirit si Vice Ganda sa GMA-7 noon, ‘di ba?

“Kaya nga, ‘di ba? Kaya dapat ingat-ingat ka rin talaga.

“Kasi hindi mo alam ang ending, eh. Maliit lang ang showbiz. Nag-iikutan lang tayo,” sey pa rin ni Tita Lolit.

Well… (Dondon Sermino)

TELETABLOID

Follow Abante News on