WebClick Tracer

28 barangay sa Cebu nasa state of calamity

MAY 28 barangay sa Cebu City ang isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding epekto ng El Niño phenomenon.

Nangungunang apektado ng matinding tagtuyot ang mga bukirin at sapa na pawang nanuyo bunsod ng kawalan ng tubig-ulan.

Dahil dito ay walang maani ang mga magsasaka bukod pa sa nasira ang kanilang mga pananim dahil sa kawalan ng irigasyon.

Ayon kay Mayor Mike Rama, bumaba rin ang lebel ng tubig sa mga ilog na pinagkukunan ng tubig ng mga residente.

Ito aniya ang dahilan kaya nagdeklara ng water crisis sa mga barangay.

Sinabi rin ni Rama na plano ng lokal ng pamahalaan na gamitin ang P96 milyon mula sa kanilang P600 milyon quick response fund para maresolba ang problema.

Unang idineklara ng PAGASA ang El Niño phenomenon noong Hulyo 4, 2023. (Natalia Antonio)

TELETABLOID

Follow Abante News on