WebClick Tracer

Janine Gutierrez, Jodi Sta. Maria magsasalpukan

Sina Janine Gutierrez, Jodi Sta. Maria pala ang dalawa sa mga bibida sa bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment, ha!

Tsika ng isang source, ‘yung pinost daw ni Janine na bago niyang project under sa Dreamscape Entertainment unit ay ‘yung serye nga raw na pagsasamahan nila ni Jodi.

Parehong magaling na aktre sina Janine, Jodi kaya exciting ang pagsasama nilang ito sa isang teleserye.

Sabi, ngayong Abril na ang simula ng kanilang taping.

Ayaw pang magbigay ng detalye ng source namin at sabi lang ay ‘magsasalpukan’ sina Janine, Jodi sa teleseryeng ito.

For sure, papatok na naman sa teleserye fans ang bagong proyektong ito nina Janine, Jodi.

Bongga! (Jun Lalin)

TELETABLOID

Follow Abante News on