WebClick Tracer

P2M tobats nasabat sa 2 tulak

NASA P2 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasabat matapos na mabitag ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isang buy bust operation noong Biyernes Santo sa Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala sa mga alyas na Sojod, 20 anyos at Mando, 22 anyos ang mga nadakip na suspek.

Sa ulat ng Taguig City Police, kinasa ng Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police ang buy bust operation sa MLQ st., Barangay Lower Bicutan, kasama ang mga tauhan ng Mobile Patrol Unit at Substation 9.

Narekober sa mga suspek ang anim na plastic sachet na naglalaman ng 305 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,074,000 gayundin ang ginamit na P1,000 bill at 69 piraso ng P1,000 boodle money.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa sa Taguig City Prosecutor’s Office.

“Ang pagkahuli sa dalawang high-value target at ang pag-agaw ng malaking dami ng hinihinalang shabu ay nagpapakita ng ating determinasyon na itaguyod ang batas at protektahan ang ating mga mamamayan mula sa mga panganib ng droga,” pahayag ni Brig. Gen. Mark Pespes, director ng Southern Police District. (Betchai Julian)

TELETABLOID

Follow Abante News on