WebClick Tracer

Gunrunner utas, 1 pa nadakma sa entrapment

BUMULAGTA ang isang umano’y gunrunner habang nahuli ang kasama nito matapos nilang manlaban at nakipag putukan sa kinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR) sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong Sabado.

Utas sa mga tama ng bala sa katawan ang suspek na si Datun Mastura, 56 anyos, x-ray technician habang nadakma naman ng mga awtoridad ang kasamahan nito na si Norodin Sulaiman, 33 anyos, construction worker. Nakatakas ang isa pa nilang kagrupo at hinahanting na ng pulisya.

Sugatan naman sa nasabing engkuwentro si Patrolman Raffy Jacinto, miyembro ng CIDG-BARR na tinamaan ng bala sa paa.

Sa ulat ni Lt. Col. Ariel Huesca ng CIDG-BAR, isinagawa ng CIDG ang entrapment operation laban sa mga suspek bandang alas 2:40 nang tanghali sa Sitio Mamadra, Barangay Limbo ng nasabing bayan kung saan nakaiskor ng dalawang malalakas ng uri ng baril ang isang police poseur buyer.

Gayunman, natunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya pinutukan niya ito pero masuwerteng hindi ito tinamaan.

Nagpalitan ng putok ang mga ito hanggang masapul si Mastura, sumuko ang isa nitong kasama pero tumakas naman ang isa pa na target ngayon ng operasyon ng mga awtoridad.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang malalakas na kalibre ng baril, mga magazine at bala gayundin ang boodle money na ginamit sa operasyon.(Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on