WebClick Tracer

Bumbero nalapnos sa sunog

Isang miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sugatan matapos rumesponde sa sunog na tumupok sa isang commercial building sa Paco, Maynila noong Biyernes.

Kinilala ito ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station (PS-5) na si Fire Officer 1 (FO1) Royce Caro. Nagtamo siya ng second degree burn sa kanyang leeg.

Agad naman siyang dinala sa Philippine General Hospital (PGH).

Sinabi ng BFP na nagsimula ang sunog sa tatlong palapag na commercial building sa kahabaan ng Angel Linao Street sa Paco.

Nakontrol ng mga bumbero ang apoy makalipas ang halos dalawang oras, 5:21 am.

Inaalam pa ang dahilan ng sunog. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on