WebClick Tracer

2 tulak laglag sa drug bust

Aabot sa P2 milyong halaga ng shabu ang nasabat matapos arestuhin ang dalawang high-value target sa ikinasang buy bust operation nitong Biyernes Santo, sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala sa mga alyas Sojod, 20 at Mando, 22, ang mga dinakip na suspek.

Sa ulat ng Taguig City Police, nagsagawa ng buy bust operation sa MLQ St., Barangay Lower Bicutan, Taguig, ang mga awtoridad sa pangunguna ng Taguig Police’s Drug Enforcement Unit sa pakikipag-ugnayan ng mga tauhan ng Mobile Patrol Unit at Substation 9.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakakumpiska ng anim na plastic sachet na naglalaman ng 305 gramo ng shabu na nagkakahalagang P2,074,000, P1,000 bill bukod pa sa 69 piraso ng P1,000 na boodle money na ginamit bilang buy bust money.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa sa Taguig City Prosecutor’s Office. (Betchai Julian)

TELETABLOID

Follow Abante News on